Adventure is out there!

The wilderness should be explored!!! :) gah! gah! rawrrr!

Wednesday, March 12, 2008

Unang inaanak. ^__^

February 24, 2008 (Sunday)


Pumunta ako sa Sta. Maria, Bulacan. Solo flight. Ayun, late ako sa binyag... nagkaligaw parin kasi kahit na pangalawang punta ko na yun dun.


Sa unang pagkakataon ay naging ninang ako sa binyag. Ang una kong inaanak ay si Jeffrey Kyle, pinanganak noong Nov. 4, 2007. Pangalawang beses ko na syang nakita dahil yung una ay noong mga 4-days old pa lang sya. Tumaba at lumaki na sya mula noong una ko syang nakita. Tumatanggi pa nga sana akong maging ninang kasi kawawa naman yung bata… sa lahat ng magiging ninang ako pa eh ang lousy-lousy ko sa mga ganyang bagay. Tsaka iniisip ko rin baka marami pang mag-ask na maging ninang ako ng anak nila, e di ako na ang wawa nun? Hehe! Joke.


Ayun, 1st year 1st sem ko lang naging classmate yung nanay nya. Isang sem ko lang sya naging kaklase tapos nung second year nagtransfer sya sa school sa Bulacan, pero naging ninang pa rin ako. Nakanang yan! Dapat dalawa kaming 1st year classmates na pupunta eh, kaso di pinayagan yung isa kaya ako lang. Tutal, ako lang rin naman yung ginawang ninang...


Dahil marahil yun sa isang scribble sa notebook. Bale, isang araw kasi, matagal na panahon na rin ang lumipas mula noong huli kaming nakapag-usap, nakita ko yung isa kong notebook na pinagsusulat sulatan ko ng kung anu-ano. Nakita ko ang address nya at ang direction kung pano pumunta dun. Naalala ko kung bakit ko yun sinulat. Sinabi nya kasi na ako yung best friend nya (malas nya!) at 1day gusto nya bumisita ako sa kanya. Naipangako kong balang araw ay tutuparin ko yun. Pero biglaan ang naging unang pagdalaw ko balak ko kasi sana pag puti na yung buhok namin eh. Hahaha! Pero nagkaroon ako ng dagdag na dahilan para pumunta. Nanganak na daw kasi sya.


Di nga nya sinabi sakin agad na buntis sya eh… mga one month lang yata bago sya nanganak. Ayun, nagulat ako dun kasi parang napagusapan na namin nung mga fresmen pa kami na ayaw at di nya magagawa yun. Pero ayun na nga, nangyari na ang nangyari, kaya naman namroblema sya. Gusto ko lang maging moral support at tsaka ayaw ko kasing magkaroon sya ng postpartum depression eh.


Ayun, masaya naman ang naging pagbisita ko. Nagulat ako dahil kilala na ako ng buong pamilya nya na para bang ang tagal-tagal ng pinagsamahan naming. Basta nakakatuwa yun! Tapos tuwa na rin ako kasi kasal na rin sya. Mabait naman yung asawa nya pero malay ko ba? Bata pa kasi sila kaya nagkakaproblema pa. Anyway, nakalaro ko pa yung mag-asawa sa DotA… kakaibang binyag yun, may DotA? Haha!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home