http://img55.imageshack.us/img55/9917/37mh2.gif :+:Frayed Ends of Sanity:+:
::Temporary Shutdown::++

Friday, October 24, 2008

THIS BLOG IS CLOSED...







...FOR NOW.

::::wOksi::::
.see yah! ;)

11:24 AM

---++---

::Pyrolympics::++

Sunday, May 25, 2008

Kahapon, yun, nanood kami ng Pyrolympics nina Shiela, Patit, Jos, Pepie at Cis.


Nagkita-kita muna kami sa The Block, tsaka sumakay ng MRT at nagpuntang MoA.


Naglibot-libot muna kami sa MoA. 1st time kasi ni Patit lilibot dun. hehe! Pumasok kami ng toy store, yung Landes, dun pala nabibili yung laruang lobo na lagi kong nakikita, The Block pa lang. Tapos pumasok kami ng Powerbooks. Tumingin kami ng book of must-see movies. Nakita ko yung Spirited Away. Haha! May malaki pa syang picture dun ni Haku at Sen kaya natuwa ako. Mga, 6:30 na yata nun at nakahiwalay pa samin yung guys kaya parang nagkayayaan na muna kami na kumain nila Shiela at Patit. Sa Jollibee kami napadpad at ang haba ng pila. Lumabas na muna ako para bumili ng tinapay, nagpabili na lang ako ng cheeseburger meal.


Tas dumating din si Mic. College friend. Tsaka pa sya nawalan ng load kung kelan naman kelangan. Ininstruct ko kasi syang pumunta na sa entrance at sabihin samin kung makakapasok kami tulad nung last last week. Eh wala, mineet na agad kami. Alam nya na baka may kasama ako. Sabi ko kasi baka kasama ko sila Patit eh siya lang kasi ang nameet na ni Mic. Edi ayun, sabi ko andun sila Patit sa Jollibee.


Tinanong nya ako kung ilan sila, sampu daw ba? Nakita kong parang naghehesitate sya lumapit kaya sabi ko... dalawa. Si Patit at Shiela. Eh sila lang naman talaga nasa loob. Yung guys, parating pa lang. Edi yun, paglabas nila Shiela, andun na rin yung guys at kakahiya man, sya na ang nagpakilala kay Mic dun sa iba. Di kasi ako marunong... Sabi nya later, kilala mo pala yung mga andun sa labas ng Jollibee kanina... pinagmamasdan ko pa naman yung posing ni Jollibee kanina.


Mga 15 mins na lang before magstart ang fireworks, kaya inumpisahan na namin ang mahabang paglalakad. Kami ang naglead at kinakabahan na kami kasi baka nga pumalpak at hindi kami sure kung makakapasok ulit kami sa may bay. Sabi nya, kasalanan ko daw yun kaya natatakot na ako... pagdating namin sa dulo ng SMX, nakita kong maraming tao sa side... eh di pa yun yung target naming panuoran, sa loob pa. Natakot na kami na di kami papapasukin. Sabi ko pa naman by the bay talaga. Tsk! Pinupush ko lang si Mic forward hanggang sa namalayan na lang namin na we're past the entrance. Nasa may parking lot na kami. Kaso naman, di pala nakapasok yung iba. Sinita yata? Di kasi kami lumilingon, guilty kasi pinaglakad namin sila ng malayo.


Ayun, pumwesto na kami sa may tabing dagat. Tamang tama lang kasi, nagsimula na yung fireworks. Isip namin, after ng 1st show, bubuksan na yung entrance tapos pwede na magpapasok tulad nung 1st Saturday na nanood kami, kaya pinanood nalang namin yung fireworks sa loob.


After ng 1st batch, iniwan ko si Mic, sabi ko susunduin ko yung iba baka kasi papasok na sila. Kaso wala naman akong nakitang mga taong papasok. Nagstay ako sa parking for a while tapos binalikan ko na si Mic. 9pm pa yung next show kaya tumambay muna kami. Sabi nya may nagtitinda daw ng isda. Kala ko naman tabi-tabi lang. May wetmarket pala talaga. Tas may nagrorodeo din. Hindi naman enjoy panuorin, hindi sila nagtatagal sa taas ng bull. Edi yun, naghanap nalang kami ng mas malapit na view... sa may gitna. Doon, pinaguusapan na namin na lagot daw ako kasi iniwan ko yung iba. Sabi ko maiintindihan naman nila yun eh. Eh kaso di talaga ako matahimik hangga't di sila makapasok. Sabi nya pumunta na daw ako dun. Tinatawanan lang nya ako kasi sa malayo na naman ako makakanood gaya nung dun ko lang sa MRT station napanood yung noong last last week. Sumuko na lang ako may nagsabi kasi sakin na kahit pangit ang view, it's the company that counts (yeah right!). Sabi ko na babalik na ako dun. Malapit-lapit na view na rin naman yun kesa sa MRT station, parking lot lang ang pagitan. Sabi ko hindi ko na sya hihintayin pag-uwi kasi bumababa rin naman agad sya ng bus. Ayos lang sa kanya. Mas enjoy nya kasi pag nakakapagsenti sya dun mag-isa.


Nagtxt si Ronnie, kinamusta si Mic. Alam nya kasi na mag-isa lang si Mic na darating tas kasama high school friends ko. Ayun, sabi ko magkahiwalay kaming nanood.


Ayun, ok na rin. Mas magandang manood ng walang guilt feelings. Kaso mas maganda nga yung 2nd batch. Di na ako tumayo sa kinauupuan ko. Kahit may mga tao sa harap yung malalaking paputok na lang pinanood ko. Ayun, solb! Tapos, uwian na! Dumaan pa yung iba sa Trinoma. Ako, as usual umuwi na. Late na rin kasi, natraffic pa nga eh. Tamang-tama lang. Pagdating ng Kamuning, tinxt na ako ni ama. Hinahanap na ako.


Pag-uwi, marami palang pagkain sa bahay. Kaso wala akong gana. Ewan ko ba. May cheeseburger pa nga ako sa bag ko. Kumain nalang ako ng chocolate cake bago natulog.


Masaya naman kahit paano. Basta. Next time... makakapagbinggo din kami! hehe!

::::wOksi::::
.see yah! ;)

7:47 PM


::Karaoke Night::++

Niyaya lang ako ni Pepie pumunta ng SM. Darating daw si Lovely. Ayun, galing ng OJT, medyo maaga akong nag-out. Inaantok na rin kasi talaga ako. Inannouce pa naman ng Manager na lahat daw magoovertime. Except saken shempre. Edi yun.


Nadatnan ko sila Jos, Cis, Pepie, Zon at Raphael. Dun kami naghintay sa foodcourt. Nilibre ako ni Jos ng Jolly hotdog. Baet! Tas yung iba din nilibre nya.


Pagdating ni Lovely, usapan ng konti, tas naglakad lakad na. Nasalubong namin sina Patrick at Ron. Tas, di ko alam kung kaninong idea pero ayun, napunta na lang kami sa WoF at nagvideoke. Tokens, sinagot ulit ni Jos. Kumanta kaming lahat. Nakakatuwa. 1st time ko silang lahat narinig na kumanta. Mga kanta dun, 1Bakit Nga Ba.., 2Way Back Into.., 3Ordinary Song.., 4I don't wanna.., 5kanta ni jos na di ko maalala.., 6Magmahal Muli, 7Nothing's Gonna Stop.., 8I Want to Spend.., 9Beauty and the.., Shucks... may nakalimutan pa ako totally...


Naglaro muna sila ng konti... nakita namin sina Matt ba yun? tas si Czarina dun.


Pag-uwi, may nakita ulit kami. Tas kumain ng ice cream. Libre ni Lovely.


Tas uwian na.

::::wOksi::::
.see yah! ;)

6:53 PM

---++---

::Unang inaanak. ^__^::++

Wednesday, March 12, 2008

February 24, 2008 (Sunday)


Pumunta ako sa Sta. Maria, Bulacan. Solo flight. Ayun, late ako sa binyag... nagkaligaw parin kasi kahit na pangalawang punta ko na yun dun.


Sa unang pagkakataon ay naging ninang ako sa binyag. Ang una kong inaanak ay si Jeffrey Kyle, pinanganak noong Nov. 4, 2007. Pangalawang beses ko na syang nakita dahil yung una ay noong mga 4-days old pa lang sya. Tumaba at lumaki na sya mula noong una ko syang nakita. Tumatanggi pa nga sana akong maging ninang kasi kawawa naman yung bata… sa lahat ng magiging ninang ako pa eh ang lousy-lousy ko sa mga ganyang bagay. Tsaka iniisip ko rin baka marami pang mag-ask na maging ninang ako ng anak nila, e di ako na ang wawa nun? Hehe! Joke.


Ayun, 1st year 1st sem ko lang naging classmate yung nanay nya. Isang sem ko lang sya naging kaklase tapos nung second year nagtransfer sya sa school sa Bulacan, pero naging ninang pa rin ako. Nakanang yan! Dapat dalawa kaming 1st year classmates na pupunta eh, kaso di pinayagan yung isa kaya ako lang. Tutal, ako lang rin naman yung ginawang ninang...


Dahil marahil yun sa isang scribble sa notebook. Bale, isang araw kasi, matagal na panahon na rin ang lumipas mula noong huli kaming nakapag-usap, nakita ko yung isa kong notebook na pinagsusulat sulatan ko ng kung anu-ano. Nakita ko ang address nya at ang direction kung pano pumunta dun. Naalala ko kung bakit ko yun sinulat. Sinabi nya kasi na ako yung best friend nya (malas nya!) at 1day gusto nya bumisita ako sa kanya. Naipangako kong balang araw ay tutuparin ko yun. Pero biglaan ang naging unang pagdalaw ko balak ko kasi sana pag puti na yung buhok namin eh. Hahaha! Pero nagkaroon ako ng dagdag na dahilan para pumunta. Nanganak na daw kasi sya.


Di nga nya sinabi sakin agad na buntis sya eh… mga one month lang yata bago sya nanganak. Ayun, nagulat ako dun kasi parang napagusapan na namin nung mga fresmen pa kami na ayaw at di nya magagawa yun. Pero ayun na nga, nangyari na ang nangyari, kaya naman namroblema sya. Gusto ko lang maging moral support at tsaka ayaw ko kasing magkaroon sya ng postpartum depression eh.


Ayun, masaya naman ang naging pagbisita ko. Nagulat ako dahil kilala na ako ng buong pamilya nya na para bang ang tagal-tagal ng pinagsamahan naming. Basta nakakatuwa yun! Tapos tuwa na rin ako kasi kasal na rin sya. Mabait naman yung asawa nya pero malay ko ba? Bata pa kasi sila kaya nagkakaproblema pa. Anyway, nakalaro ko pa yung mag-asawa sa DotA… kakaibang binyag yun, may DotA? Haha!

::::wOksi::::
.see yah! ;)

1:08 PM

---++---

::Pagkakataon::++

Saturday, February 09, 2008

Nung Thursday lang ito...


a. Binigyan ako ng sulat ni Mimo, pero hindi nya alam na birthday ko. Somehow mukhang may gift na rin sya saken nung araw na yun dahil dun.


b. Pati si Rey Anne ganun din. Nagpakulot para sa akin at sa araw rin na yun.


c. Si Jen Yadao, sabi ko kasi sa kanya hindi ko ipapaalam yung birthday ko. Basta Feb. Kasi baka makalimutan lang din naman nya, sasama lang loob ko. Hehe! Mga last year ko pa yun sinabi sa kanya! Tapos nagulat ako nung pag-open ko ng Y!m ko nung Feb. 8, binati nya pala ako nung 7! yey! Number 12 yung greeting nya.


d. Nung napadaan si Mira at binati ako ng birthday ko. Aba, minsan ko na nga lang sya makita, nakita ko pa sya nun. Nabuking pa ako! Pero ok naman. Prang blessing in disguise eh. Hehe!



----######----
Ayun, gusto ko lang na maalala ko to pag nagbalik tanaw ako. nyahaha!


Anyway, yung mga bumati pala saken...


1. Lovely (college friend, hehe!) sya unang-una. Days ahead! Early-booking kumbaga. haha!


(Feb.6)
2. Mariel - Ok lang naman kung malilimutan nya eh. I wonder kung mangyari yun.


3. Jenny - Minsan lang magpaload 'to. Nagpaload kasi may kukulitin daw sya. Sabi ko, "Sino naman yung malas este swerteng taong yun?"


Sabi nya "Bido,pra s iy0ng kaalaman...kaw ang mswerteng ta0ng un n ku2litn q bukas!yari k skn.ö"

(hehe! ayan, pwede ko nang mabura sa inbox ko. :P)


4. Alexamuel - dinideny ko pa yung birthday ko eh. Di ko kasi alam kung pano nya nalaman. Parang "huh? sobrang advance naman ng greeting mo?" Ganun daw eh.. Pero wala... walang effect. KJ!


5. Patit - naalala ko rin yung greeting nito sa friendster, di kasi sya makatxt nun. Ngayon, nakatxt na sya! Magbunyi! hehe! kaso revealing yung txt... post ko pa kaya? haha! ge, para mabura ko na rin. haha!


"Ui, bAgo magexpire l0ad ko.. Happy birthday r0xY! Di ka na teen! Hehe.Ü"



(Feb.7)
6. Vanezsa - gulat din ako kung san nya nalaman o baka alala pa nya from highschool? Hehe! Parang ayoko lang kasi na sa iba lang nila nalaman kasi pinagbabawal ko yun. Haha! Demanding eh. Anyway...


"Bespreeen!ü w0oho0!ü happi birthday!!ü hehe..miss n kta bespren!ü mwaah! Sana msaya ka.ü"


hehe! bespren lang tawagan namin...


7. Eca - minsan lang tong magtxt as in. Pag may pangyayari lang or something. Pag nagreply ka, rare na mag txt back. At hindi pa sya nawawalan ng load ng lagay na yan.


"Hapi bday. .mis nd luv u. .take care. .:-D"


8. Jenny ulit - dahil nung una hindi pa pala nya ako ginigreet. Pasikot sikot lang kami nun. Kunwari di namin alam na birthday ko tas ako kunwari di ko alam yung gagawin nya. Haha!


"Bido! Gudmo0rning! Kung hei wat chai! Happy bday! Wahaha...kala mu ha...heyeah w0ho0 happy bday! I kn0w you mis me to0...adik knantahan p kta ha!ö"


-kung di nio nasundan yung kanta jan (tulad ko), Click Five - Happy Birthday! hehe!


9. Carmi - hehe! ang rason kung bakit may party na nangyari. Hehe!


"HapPy birthday bido!!! 20 k n! Bwahahaha! HapPy birthday bido! M0r bdays 2 c0me! Mish0o frnd! Ü"


10. Mira (classmate ni namin Lovely @ #1) - ang dahilan naman kaya nakasama ko yung iba kong College friends nung Thursday. Yung dalawang yun, para ko na silang nanay eh. Hehe! Ang matured kasi kumilos. Hindi nila ako pinapalaro at lagi nila akong pinapag-review. Ayan ang karanasan ko sa kanila. Hehe! Kaya naman natutuwa din ako sa kanila.


11. Yung mga kasama kong College friend dun sa SM. Malamang ginreet na nila ako, pero in a not-sure-of-the-date way. Hehe! Sinulat lang nila sa Attendance sheet namin sa McDo. May picture ako nun! yay!
Mga included: Chet, Deneb, Mic, at Ronnie... si Chet na rin ang nag greet para kay Lyra. (Lyyyyyy!)


12. Jennielyn Yadao - kelangan kumpleto ang pangalan nya para makilala sya ni Lyra a.k.a Rei (College friend.Ü). Sya yung nasa letter c sa taas.


"advance happy birthday nga pala..hehe"


"kasi diko lam kelan birthday mo kaya di kita mababati ng happy birthday lang..pero sa tingin ko alam ko na..di ko lang sure..hahaha"



-pero tingin ko ang alam nya eh sa 29. yun kasi ang kumakalat na chismis. hehe!


13. Kim Jim - walang cellphone at di ko na nakikita. Isang college friend na dapat lagi kong susundan san man magpunta eh(san man magshift)... Sya dapat kasama ko sa Architecture pero nung pinili nyang mag Marketing, aww... No can do! Di ko talaga maatim ang sales talk. Anyway, ayun, ginreet nya pala ako through e-mail.Ü


(Feb 8)
13. Labli - hehe! last year nagreet nya ako eh... ngayon din naman. yes! Pero nagimbestiga muna sya for at least 30 minutes, tama? hehe (di nga lang nya nalaman ang kasagutan) At least on-time pa rin. Lam ko mahilig tong mag-post ng bday greetings eh. Hehe! Buti wala this time.Ü


14. Carla - (college) tinext nya daw ako nung mismong araw... pero sa ibang number nya nasend. Di ko na ginagamit yung number na yun. Kaya, nagreet lang nya ako(valid) nung nasalubong ko sila sa school.Ü Edi ginreet na rin ako nung mga kasama nya nun... namely: Sonny, Honey, Christine Joy, Katrina, at Kim ulit.


15. Vester - sa kanya ko lang talaga dinideny magpasahanggang ngayon kahit na nabuking na ako dahil nasalubong nya rin sina Carla pagkatapos kong masalubong din sila!!! Ayun, kahit seryoso yung tone ko ayaw ba naman akong paniwalaan... Sabi ko, "so di ko pala alam yung birthday ko? mas alam pa nya?" Hehehe! Ayun, tinext nya ako ng greeting pagka-uwi ko. Hanggang ngayon dinideny ko. Di ko aaminin sa kanya para laging may debate. hehe!


16. Norie - Di ko rin alam kung san nya nalaman eh. Nakow!


Basta, ito lang naman ang first time na tinry kong ibahin yung date ng birthday ko. Well, no good. Hehe! Kala ko sa 29 na talaga. Andami kasing nagbibirthday sa paligid ng birthday ko, parang gusto kong makibirthday nalang. hehehe!


Feb. 6 pala yung birthday ng sumunod kong kapatid saken. Tas feb 8 yung pinsan ko. Tapos pagpasok ko sa school nung Feb. 7, ginreet ko yung classmate kong kabertday ko. Si Lawrence (babae sya). Sabi ni Ronnie the day before, baka daw mainggit ako sa kanya kasi walang babati saken sa birthday ko pag di ko sinabi... well... Awkward nga. May sole-survivor kasing nakaka-alam eh! Sya yun! Sya ang constant reminder na ang birthday ko ay nung araw na yun. Hehe!

::::wOksi::::
.see yah! ;)

5:26 PM


::Etneb Day::++

sorry sa mga mababanggit na pangalan na hindi ninyo kilala... yung mga picture at short video clips ay makikita sa aking multiply.Ü


Kukwento ko lang ang nangyari nung Thursday. Wala naman akong balak nun. Gusto ko yung mga taong gustong may mangyari ang mag-yaya sa'ken. Si Mariel kasi parang bahala na daw ako. Pero kung ako nga kasi masusunod, palilipasin ko lang yun. Tapos nagtxt si Carmi. "Libre! Libre!" daw. Haha! Sabi ko basta ngayon ka pupunta, okay! Sabi nya baka daw 6pm. Edi pumayag na ako. Sulitxt lang ang load ko kaya dun lang ako sa nagtitxt saken nagrerep. Parang di ko yata inisip na marami pala akong ititxt ng araw na to eh, normally kasi hindi ako nakaka-100 txts a day. Kaya yun...


Lahat ng bumati saken na highschool friends sinabihan ko. Except nga kay Vani eh. Waahh! Wala kasing planong matino kaya nakakahiya tapos malayo pa panggagalingan nya. Tas si Eca, pinatxt ko nalang kay Carmi. Kasi iniexpect ko sila lagi ang magkasama. Si Pepie, hindi daw makakapunta dahil may iba syang date.


Edi pumasok na ako sa school... maaga kaming uuwi dahil isang subject lang. Nagulat ako kasi sabi nung classmate kong si Mimo the night before, na may sulat daw sya saken. Eh di parang right timing! Parang kala mo alam nya yung birthday mo. Pero iba nga lang yung nilalaman nung sulat na yun. Tapos, si Rey Anne naman, last week pa nyang sinabi na one time magkukulot daw syang buhok. (nacute-tan kasi ako sa buhok nya nung nakita kong naturally kulot sya, nakapusod kasi) Tapos nung araw na yun, sumakto pa na dun sya nagpakulot! Edi kala mo rin alam yung birthday mo eh. Hehe! Kaso hindi natural kulot ginawa nya... pinakulot pa nya. Aww. Anyway, cute pa rin.


Nung nasa usual kanto na may tindang mangga at melon juice na kami tumigil muna mga college friends ko. Tanungan kung uuwi na. Ayaw ko pang umuwi kasi 6pm pa darating yung mga kasama ko sa SM eh. Si Ronnie, ang nag-iisang nakakaalam kung anong meron sa araw na yun, pansin yatang di ko alam gagawin ko. At parang ayaw nya pa akong pauwiin. Nakakatouch na rin kasi syempre ayaw nyang pumayag na palipasin lang yun. Anyway, dahil mahigpit ko syang pinagbawalan na ipaalam, kumain na lang kami ni Ryan ng fried siomai. Habang yung girls, umuwi na. (That's what I thought, pero nag-inuman pala sila)Di ko na sila napigilan kasi di ko rin naman kayang sabihin kung anong meron sa araw na yun. Nakaupo na kami sa harap ng isang stall ng di ko na napigil na mabanggit yung SM. Sabi ko, samahan nio na lang kaya ako sa SM North? (mas malapit kasi dun yung SM Centerpoint) Tapos si Ronnie naman, support. Tas parang nagpaparamdam na sa iba na may something sa araw na yun. Nagtanong na tuloy si Chet at Ryan "Bakit, ano bang meron?" Sabi uli ni Ryan, "ahh.. kasi malapit na pala yung birthday ni Rox." Edi natatawa na si Ronnie kasi akala nila sa 29 pa.


Nakatulala na lang ako nun, niluluto pa kasi yung siomai nang biglang may napadaan na hindi ko napansin. Classmate ko nung 1st year college, si Mira... isa sa mga taong hindi nakalimot. (niyaya din nila ako, well, sa Tuesday pa sila) Excitedly syang lumapit saken, at sabay sabing "Rooooooooxxxx! Happy bi..." Di na nya natuloy kasi bigla rin akong nagulat sa kanya at napa "shhh!" ako. Nakita nung mga kasama ko yung nangyari, narealize din ni Mira yung ginawa nya... Sabi ni Ry, "Ayyy... Bistado ka na rox! Kaya pala nagyayaya sa SM." Natatawa ako kay Mira kasi mahigpit ko rin syang pinagbawalan eh. Tinry pa nyang bawiin, sabay sabi na "Ay mali, Next month pa pala no?!" Wala na syang nagawa. Nakakatawa na lang.


Edi, pag-alis ni Mira, diskusyon. Si Chet, Ry at Roni lang kasama ko nun. Tinatanong nila ako kung kelan ba talaga. "Kala ko ba sa 29 pa?" Mga ganun. Di ko sinasagot kasi ayaw kong magsinungaling at ayaw ko ring sabihin. Nakita lang kasi nila na yun yung nakalagay sa directory namin eh, yung Feb.29. Sabi ko na kung gusto lang naman nilang sumama sa SM. Kakain lang kami. Nag-aalala lang rin kasi ako kasi mukhang one or two lang yung sure na pupunta tapos di namin maubos yung gusto kong kainin namin. At tska maganda na rin yun, 1time celeb na lang. Although, kung sa 29 pa sana sila, matagal tagal pa. Kaso nafifeel ko na yung araw na yun eh. Nung una parang lilipas lang pero habang tumagal, parang wala na yung feel kung sa 29 pa.


Kaya yun. Ang weird daw ng mga kaisipan ko eh. Anyway, pumunta na kami sa SM. Hinintay pa pala namin yung dalawa pa naming classmate na si Mic at Neb kasi may subject pa sila. Eh kaso, wala naman daw yung prof kaya hinintay na namin. Nagulat na lang sila na may balak kaming magSM. Ang lagi ko lang sinasabi, kakain lang. Edi pumunta na kami. Wala pang 6 kaya naglibot na muna kami. Minsan lang kasi sila makarating dun, yung iba 1st time lang yata. Malalayo kasi yung mga inuuwian nila. Bulacan, Montalban, Parañaque, Muntinlupa at Sampaloc. Tapos all those times iniisip ko kung pano ko ipapaliwanag na may kasama pala akong iba tapos pano ko kaya ihahandle yun. Anyway, nag-isip lang ako habang dumaan kami sa McDo, tapos habang humahanap ng Rubix Cube sa Toy Kingdom (out of stock).


Lumipas na yung 6pm pero wala pa sila. Nagugutom na yung mga kasama ko(by the looks on their faces, hahaha!) kaya, di ko alam kung maghihintay pa ba dapat, pero ayun. Pagkasabi kong, "kumain na kaya tayo habang naghihintay?" Sabay "Tara!" si Chet eh. Edi pumunta na kami sa Yellowcab... umorder. Tapos dumating na si Patit! Yehey! Tapos halos kararating lang nung inorder nung dumating naman si Mariel. Pinakilala ko na sila sa bawat isa. Ok naman. Wala naman palang hirap. Lalo na kung kumakain pala kayo, lahat talaga magiging masaya. Hehe!


Tapos kumain, parating na yung mga may klase pa kaya na late. Si Jenny at Carmi. Sayang lang tapos na yung kainan. Lalo na, si Carmi pa naman yung nagpalibre. Hehe! Ayun, pinuntahan na namin sila sa McDo Carpark and on the way, nagpicture-picture muna. Kung wala lang si Patit nun, baka hindi ko yun ginawa eh. hehe!!! Sya kasi yung, "Tara dito naman!" hehe! Peace! Tapos si Ry, stig, director sa mga picture eh... Ang kulet...


Sa McDo, kita na sa pictures yung mga ginawa namin... Usap-usap tapos sa kabilang table, patiently waiting lang yata para makauwi na rin. Hehe! Sensya! Kami ang nagsara ng SM. Mga past 9:30 na yata kami umalis dun.


--- The End ---


sobrang haba...

::::wOksi::::
.see yah! ;)

2:56 PM

---++---

::Happy New Year!::++

Wednesday, January 02, 2008

Ayan! Hay... Alam niyo na naman siguro by now na mahilig ako sa hibernation mode. Hehe! Pero bago yun... ito post! Hahaha! Makapag-post lang. =D


Masaya naman ang past year. Parang puro pagliliwaliw nga lang ang ginawa ko eh. tsk!


Tapos nung Christmas din masaya.


-Christmas party
-Nakipagkita sa mga high school friends
-andaming pagkain
-tapos sama-sama kaming nagsimba ng pamilya.. wee!


Haha! Kaso hindi ako nagload/unli. Tinatamad na talaga ako sa Globe... joke time kasi. Nawala yung unli, tapos binalik kaso pahirapan naman magregister. Ubos na yung load mo hindi ka pa naregister.. haha! Malamang hindi talaga makakapag reg. pag impatient at inubos mo agad ang load mo. hehe!


Pero may mga tsumatsamba at nakakaregister pa rin. Salamat sa mga txt.


ay! Nung Jan. 1 pala/kahapon... nanood kami ni Ron Philip ng sine. Resiklo. haha! Tagal ko nang di nakakasama yun. Kakamiss din. Mahilig kasi yun sa impromptu. Biruin mo, tatawag tas magyayaya, pero gusto nya sa mismong araw na yun pa! hehe! mga 3:30pm sya tumawag at ang movie na gusto nyang panoorin, 5:10pm! at di pa ako nakakaligo nun! haha! kakahiya. =P


Sa Gateway kami nanood kasi sabi nya, last day of showing na daw at sarado pa SM buong araw. Tapos kasama namin yung 10-yr old sister ko. Perstaym! Gusto kasi sumama eh. May bibilhin daw syang school supply tapos iwan ko na lang daw sya sa labas ng sinehan??!! May pagka-baliw din eh! Hahaha! Ayun, sabi ko kung hindi sya manood ng sine at wala syang pambili ng popcorn, wag ka syang sumama! Haha! Mabuting ate!


Pero yun, namanage nyang makasunod sa terms ko kaya nakasama sya! Pero di sya nakabili ng popcorn, sa kasawiang palad. Malilate na kasi kaya sa loob na lang sana kami bibili kaso nahiya naman yung kapatid kong i-approach yung nagtitinda o hindi daw yata nya nagets nung sinabi ko na bumili sya. Ayun tuloy... complain ng complain. Nagugutom na daw sya. Yeah right. Gutom tapos popcorn? Hehe! Ayun, ice cream na lang bago umuwi. Ako nga wala eh. Mabait pa rin talaga ako. =D


Ayun lang naman. May assignment pa ako... gagawin ko na...Ü

::::wOksi::::
.see yah! ;)

8:27 PM

---++---

::Christmas Quotes... =D::++

Friday, December 21, 2007

Christmas is a race to see which gives out first - your money or your feet.


Christmas waves a magic wand over this world, and behold, everything is softer and more beautiful.
- Norman Vincent Peale


Christmas is a time when you get homesick - even when you're home.
- Carol Nelson


He who has not Christmas in his heart will never find it under a tree.
- Roy L. Smith


Christmas is a time when everybody wants his past forgotten and his present remembered.
- Phyllis Diller


Christmas, children, is not a date. It is a state of mind.
- Mary Ellen Chase


What is Christmas? It is tenderness for the past, courage for the present, hope for the future. It is a fervent wish that every cup may overflow with blessings rich and eternal, and that every path may lead to peace.
- Agnes M. Pharo


Probably the reason we all go so haywire at Christmas time with the endless unrestrained and often silly buying of gifts is that we don't quite know how to put our love into words.
- Harlan Miller


From a commercial point of view, if Christmas did not exist it would be necessary to invent it.
- Katharine Whitehorn


Why is Christmas just like a day at the office?
You do all the work and the fat guy with the suit gets all the credit.

::::wOksi::::
.see yah! ;)

10:14 PM

---++---

::Tagged once again::++

Sunday, July 15, 2007

haha, gaya gaya ako... ^_^


Tagged! You're all it!


Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don't forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!


1. ako lang sa amin ang sa bahay pinanganak... nasa probinsya kasi kami ng mga panahong yun eh... sila lang pala.. hehe!


2. since kinder eh latecomer na talaga ako... lumala lang nung high school. hehe!


3. sabi ko dun sa sulatin namin sa Rizal(subject) na if i were somebody else, I Want to Be a Rockstar!!! nyahaha! Hindi ko nga sure kung I meant it eh... haha! siguro medjo.... kaso wala lang rin talaga akong maisip eh.. :P


4. pagsinabi kong naka-alis na ako minsan nasa bahay pa talaga ako... sobrang katamaran...


5. naaalala ko pa yung mga nagkaka-utang saken... nyahaha!


6. ang second baked-mac ko ay matitikman ng ilan kong classmates bukas dahil naipromise ko... pero bukas pa lang rin ako bibili ng ingredients... hehe!


7. yehey last! :) di ko kayang magsmile... as in upward curve... wahaha! kaya wag na kayong magtaka kung mukha akong malungkot... normal lang sakin yun.. wahaha! ang weird... ngayon ko lang naisip yun eh.. hehe!

::::wOksi::::
.see yah! ;)

11:40 PM

---++---

++name// rox
++DOB// secret
++school// out of school youth
++faves// Food: chocolates (apollo, m&m's), garlic or onion bread
Drinks: juice(orange, buko), coke, water

--------------------+++--------------------

::The people::++

--------------------+++--------------------

Free Hit Counters
Free Counter

--------------------+++--------------------

::Moody Moods::++

--------------------+++--------------------

::TiMe cHecK...coOOL!!!::++

--------------------+++--------------------

::memories::++


August 2006


February 2007


April 2007


May 2007


June 2007


July 2007


December 2007


January 2008


February 2008


March 2008


May 2008


October 2008

--------------------+++--------------------

I made this playlist at MyFlashFetish.com.

--------------------+++--------------------

::Other stuffs::++
Other links HERE//
credits
blogskins

::taggie::++

..:: Conversations ::..
WiLL yOu Be HeRE?