Adventure is out there!

The wilderness should be explored!!! :) gah! gah! rawrrr!

Wednesday, January 02, 2008

Happy New Year!

Ayan! Hay... Alam niyo na naman siguro by now na mahilig ako sa hibernation mode. Hehe! Pero bago yun... ito post! Hahaha! Makapag-post lang. =D


Masaya naman ang past year. Parang puro pagliliwaliw nga lang ang ginawa ko eh. tsk!


Tapos nung Christmas din masaya.


-Christmas party
-Nakipagkita sa mga high school friends
-andaming pagkain
-tapos sama-sama kaming nagsimba ng pamilya.. wee!


Haha! Kaso hindi ako nagload/unli. Tinatamad na talaga ako sa Globe... joke time kasi. Nawala yung unli, tapos binalik kaso pahirapan naman magregister. Ubos na yung load mo hindi ka pa naregister.. haha! Malamang hindi talaga makakapag reg. pag impatient at inubos mo agad ang load mo. hehe!


Pero may mga tsumatsamba at nakakaregister pa rin. Salamat sa mga txt.


ay! Nung Jan. 1 pala/kahapon... nanood kami ni Ron Philip ng sine. Resiklo. haha! Tagal ko nang di nakakasama yun. Kakamiss din. Mahilig kasi yun sa impromptu. Biruin mo, tatawag tas magyayaya, pero gusto nya sa mismong araw na yun pa! hehe! mga 3:30pm sya tumawag at ang movie na gusto nyang panoorin, 5:10pm! at di pa ako nakakaligo nun! haha! kakahiya. =P


Sa Gateway kami nanood kasi sabi nya, last day of showing na daw at sarado pa SM buong araw. Tapos kasama namin yung 10-yr old sister ko. Perstaym! Gusto kasi sumama eh. May bibilhin daw syang school supply tapos iwan ko na lang daw sya sa labas ng sinehan??!! May pagka-baliw din eh! Hahaha! Ayun, sabi ko kung hindi sya manood ng sine at wala syang pambili ng popcorn, wag ka syang sumama! Haha! Mabuting ate!


Pero yun, namanage nyang makasunod sa terms ko kaya nakasama sya! Pero di sya nakabili ng popcorn, sa kasawiang palad. Malilate na kasi kaya sa loob na lang sana kami bibili kaso nahiya naman yung kapatid kong i-approach yung nagtitinda o hindi daw yata nya nagets nung sinabi ko na bumili sya. Ayun tuloy... complain ng complain. Nagugutom na daw sya. Yeah right. Gutom tapos popcorn? Hehe! Ayun, ice cream na lang bago umuwi. Ako nga wala eh. Mabait pa rin talaga ako. =D


Ayun lang naman. May assignment pa ako... gagawin ko na...Ü

1 Comments:

  • At Saturday, January 5, 2008 at 4:10:00 AM GMT+8 , Anonymous Anonymous said...

    Gostei muito desse post e seu blog é muito interessante, vou passar por aqui sempre =) Depois dá uma passada lá no meu site, que é sobre o CresceNet, espero que goste. O endereço dele é http://www.provedorcrescenet.com . Um abraço.

     

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home